Book Description
For 24 years that I have been here in this world, marami na akong napagdaanan. Marami na rin akong aral na nakuha mula sa karanasan na ‘yun. Hindi ko naman sinabi na lahat ng karanasan ko ay may makukuha kang aral. Maaaring yung iba, pero hindi lahat. I have bipolar disorder, a lifetime psychological illness. Pero I never treated it like an illness, I treated it like my friend. I even use it to my advantage. Yung tipo na kapag alam ko na manic ako, I use it to write books or be productive ngunit hindi pa rin maiiwasan ang pagkakaroon ng downsides. I will not dig in any further. Tulad ng isang damit na butas-butas, pwede pa ‘yan maayos sa pamamagitan ng tagpi. Minsan kahit mukha ng gula-gulanit, magiging maganda pa ‘yan. Parang tayo, kahit broken and damaged, may mga tagpi tayo na pwede gamitin bilang aral para maging maayos ang takbo ng buhay natin. Ang libro na ‘to ay tungkol sa mga bagay na maaaring makatulong sa iyo, naglalaman ito ng kwento tungkol sa buhay, sex, emotion, religion, and marami pang shit. Hindi ko sukat akalain na makakapag sulat ako ng libro, dahil na nga rin siguro sa Bipolar ko, lahat ng tumatakbo sa isip ko ay inilalagay ko sa papel. Hanggang sa unti-unti na akong nakakabuo ng mga pahina. I’ve never even imagined na makakagawa ako ng isang self-help book kung mismong sarili ko nga ay hindi ko matulungan, pero malay mo lahat ng sinabi ko rito eh may sense sa’yo. Tangina, sa libro na ‘to horror na lang kulang. May love, may drama, may inis, may galit, at may excitement. Sana ma-enjoy n’yo, kasi ako na-enjoy ko habang sinusulat ko ‘to. ‘Pag hindi, edi ‘wag.